Friday, May 9, 2014

Honorable Beggars?

May 6, 2014 in a bus to Manila...

Nang may bumabang pasahero sa Balintawak biglang may umakyat namang dalawang binatilyo, taka ako dahil binawal at pinabababa ng kundoktor, akala ko pasahero yun pala hindi pasahero...

Ang isa ay nanatiling nakatayo sa gawing unahan at nag-umpisa ng litanya habang ang isa ay apura ng pagpapamudmod ng sobre sa mga pasahero. Ang katabi ko ay binigyan at ako na nakaupo sa gawing loob sa tabi ng bintana ay hindi binigyan ng sobre. 

Ang litanya ng nasa unahan...

"Magandang araw po sa inyo mga Sir, mga Ma'am. Hindi po kami masasamang tao, hindi kami nagnanakaw, hindi kami nanghoholdap at hindi nang-iisnatch, hindi rin kami nagtutulak ng droga para kumita. Mahirap po kami pero kami ay marangal din na tao.

Sa lugar na pinanggalingan namin ay magulo, sinisira ang aming mga tanim at pinapatay ang mga alaga naming hayop, pinagnanakawan kami at sinusunog ang bahay namin, sinasaktan kami at ang iba ay pinapatay, kaya umalis kami doon sa aming lugar at nakarating kami dito sa Maynila, sa awa ng Diyos at kabutihan ng mga nasa barko, libre kami hindi siningil ng pamasahe. 

Hindi kami humihingi sa inyo ng malaki. Barya lamang po o piso ang hihingin namin sa inyo upang hindi makabigat sa inyo. Sa piso o barya na maibigay ninyo ay ipapanalangin namin kayo na sana ay lalo pa kayong pagpalain ng Diyos sa kabutihan ninyo. 

Maraming salamat po sa inyong kabutihang-loob at Diyos na ang bahala sa inyo. Lagi namin kayong ipapanalangin na higit kayong pagpalain."


Ang litanya ay naideliver ng maayos na maayos sa paraang madamdamin na may pahinto-hinto at parang maiiiyak ang nagsasalita.

Ang katabi ko ay malutong na papel ang perang isinilid sa sobre.

Reflection: Hindi ko makapa sa aking sarili ang "paniwalaan" ang dalawang                        binatilyo. Ako kaya ang may problema o sila?   



No comments:

Post a Comment