Wednesday, April 2, 2014

Nawawaglit na Pangarap?

Nawawaglit na Pangarap?

Hala...? Nagkagulo ang tribu. Ano ito, pangarap na dati ay kanilang hawak-hawak, ngayon biglang hindi maapuhap? Ano nangyari, paano nangyari? Sino ang salarin? Ano ang kanyang galing at pati pangarap ng lahat ay kaya niyang hablutin?

Hindi lang mga tao sa tribu ang nagkagulo, pati mga tuta at aso ay nakigulo, may breed at walang breed, at kunwaring may breed, nakakulong at gala, malinis at mabango, pati mabaho at gusgusin, na karamihan ay nangakapiring. Nakakagulat ang dami pala ng aso sa tribu, na biglang lumitaw at sumama sa kinilalang bagong amo na dala ng bulalakaw.

At silang mga nangakapiring ay tumahol at kumahol sa inaakala nilang salarin, at pinaniniwalaang salarin, paulit-ulit na tumahol at kumahol sa puno na siyang may bunga, na dati nilang pinupuntahan at pinagpapahingalayan, na ngayon ay tila ba ibig na nilang ibuwal sa naninindak nilang tahol at kahol, at sunggaban o hablutin ang bunga nito na para naman sa lahat sana, subali't nanatiling ang puno ay matatag, hindi nabuwal, ni hindi natinag kahit ang mga tumatahol at kumakahol ay mistula nang mga nauulol.

Napakasamang scenario, almost everybody (impulsively and without thinking - at nag-iisip nga ba ang mga aso?) barked and barked at the wrong tree.

What made the scenario really worst ay habang nagtatahulan ang mga aso ay sumamsambulat naman sa kanilang bibig ang sandamakmak na bulok na taho, na hindi naman sa tiyan galing, at nagkalat sa paligid, at sila-sila ay napagtatalsikan ng sarili nilang bulok na taho. 

Teka, hinto kaya muna kasi sa tahol at kahol? Ang tanong, sino ba talaga ang tunay na salarin? Naku, paano kaya malalaman, tumapon na ang mga taho?

Who is the real culprit? Para malaman pulutin muna kaya ang taho at isalba kung pwede pa...

Sa isang banda, may halaga pa ba ang tumapong bulok na taho ng aso?

O kaya ay tanggalin ang piring? Sino ang magtatanggal?

Ito ang Kabanata 1 ng isang kwento ng pagpupunyagi sa isang pangarap, sa simula ay isang ordinaryong kwento na sa paglipas ng mahabang panahon ay naging drama, tapos naging comedy, at ngayon ay nagiging isang defective na detective story.  Kailan kaya at saan matatapos ang kwentong ito?


Subaybayan ang kasunod na kabanata…

Itutuloy....




April 16, 2014

Kabanata 2 

(Mathematical Presentation ng Kabanata 1)

Problem Solving:

Let N be the number
             so that N = Answer



Solve the problem RIGHT NOW! No need of any Given! 
I just want it solved NOW NA!

(Utos ng bagong amo na dala ng bulalakaw)

itutuloy...



May 4, 2014

Kabanata 3

Kadalasan sa barya ang tinitingnan ang magkabilang panig lang...ang tao o ang ibon. 

Nakakaligtaan ang isang panig, yung gilid na pabilog...

Yun ang elemento na dapat ay sinasalat, ng balat at ng isip...

itutuloy....



May 27, 2014

kabanata 4
dumog pulong-pulong


Filipino Nursery rhyme:

Ale, ale, namamayong, pasukubin yaring sanggol
Pagdating sa Malabon, ipagpalit ng bagoong.

Mama, mama, namamangka, pasakayin yaring bata
Pagdating sa Maynila, ipagpalit ng manika.


Nursery rhyme sa tribo...

Taga tribo dalian ninyo, sumakay na lahat sa tren,
Pagdating sa may bangin, ihulog nyo dati nyong fren...

Saan kaya hahantong ang senaryong ito sa tribo?

itutuloy....

  


June 7, 2014


July 1, 2014

(Hayyy…!) Akala ko aso lang ang marami sa tribu, mapagkakahol na mga aso na pag tumahahol lumalabas sa bibig nila mga taho na hindi sa tiyan nanggagaling…


Mali pala ako, mas madami pala Zombies sa tribu, mga walking dead, as in hindi lang bulag na tagasunod kundi walking dead talaga...  

Nakakaawa ba sila?

No comments:

Post a Comment